Ang mga nakuhang inpormasyon ay isinaliksik ng mga bumuo ng konseptong papel na ito. Nabuo ang paksa sa sapagkat nais iparating ng mga mananaliksik sa mga mambabasa ang kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling wika at ang balakid na naitatayo ng social media sa pagkasatuparan ng mithiing ito. Mahalaga ang paksa sapagkat maibabahagi ang masasamang dulot at epekto ng media sa pag-usbong ng Wikang Filipino. Malinaw na lahat ng Pilipino ay makikinabang sa ginawang konseptong papel sapagkat wikang Filipino ang tinatalakay. Higit sa lahat, mahalaga ang pag-aaral na ito upang maipahatid sa mga tao ang isyung ipinaglalaban at magawan ng kaukulang panukala para sa ikabubuti at ikauunlad ng ating wika at bansa.
Mithiin ng grupo na mapagtanto ng mga mambabasa ang mensaheng ipinararating nang sa gayon ay maalis ang kaisipang kolonyal at pagtangkilik sa mga bagay banyaga at maging daan ang social media upang mas makilala ang Wikang Filipino sa buong mundo at magsilbing pagkakakilanlan nito.
Sa ikatlong talatang ito ilalahad ang mga layunin. Unang layunin ng konseptong papel na ito ang mahikayat ang mga Pilipino na tangkilikin at ipagmalaki ang Wikang Filipino. Pangalawa ang pangnanais na mapabigyang-pansin kung paano nagiging balakid ang social media sa pagtangkilik ng sariling wika. Pangatlo ay upang mapalawak ang isipan ng mamamayan hinggil sa importansya ng sariling wika at maibahagi ang kaalaman sa pamamagitan ng social media. At ang panghuli ay upang maging daan ang social media na maipakilala at maipahayag ang Wikang Filipino sa iba’t-ibang panig ng mundo sa halip na maging balakid.