Iba’t-ibang benepisyo ang makukuha mula sa konseptong papel na nagawa. Sa pamamagitan ng panukalang ito, maayos ang kaisipan ng mga mag-aaral na hindi kaaya-aya na sumunod sa lamang sa mga nauuso sa social media lalung-lalo na kung ito’y makakasama sa pagtangkilik ng sariling wika. Sa halip na basta sumubok sa daloy ng mga nauuso, maaring bigyang-pansin muna nila ang kanilang mga aksyong gagawin batay sa kung ito ba ay makabubuti o tama. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang iba’t-ibang isyu at maipapakita ng mga kabataan ang kanilang pagrespeto at pagmamahal sa Wikang Filipino at ng sa gayon ay maging halimbawa na rin sila sa iba pang mga mag-aaral. Bukod dito, dahil sa marami sa oras ng mga mag-aaral ay nagugugol sa social media, maaring gamitin na nila ang Wikang Filipino bilang midyum dito at sa pamamagitan nito ay mapanatili ang wikang kinagisnan at lalo itong mapausbong at mapaunlad sa positibong paraan. Sa mga guro naman, sa pamamagitan ng konseptong papel na ito, mas madaling maipapahiwatig sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagtangkilik sa wika, kung sa paano nagiging balakid ang social media sa kasatuparan nito at mga paraan sa kung paano ito maiiwasan. Matutulungan din nitong maipahatid ang importansya ng papel ng kabataan sa pagbabagong nais maipasatupad sapagkat tunay naman na sila ang susunod na henerasyon na siyang magpapatuloy ng sinimulan n gating mga ninuno. Sa kabilang dako naman may maidudulot din itong benepisyo sa mga magulang. Maaring dahil sa mga nabasa, mas pagtitibayin pa ng mga magulang ang kanilang pagtangkilik sa sariling wika at maituro rin nila ito sa kani-kanilang pamilya. Sa mga magulang naman na Ingles ang itinuro na pangunahing wika sa kanilang mga anak, nawa’y sa pamamagitan ng konseptong papel na ito ay maliwanagan ang kanilang mga kaisipan sa kahalagahan ng Wikang Filipino. Maaring ituro na nila ang sariling wika sa kani-kanilang mga anak at ng sa gayon ay makadulot ito sa kabutihang magaganap sa susunod na henerasyon. Bukod dito, mailalagay din sa kanilang kaisipan na sila rin dapat ay tumatangkilik nito sapagkat sila ang modelong tinitingala ng mga bata. Sa mga magiging magulang naman, maaring maiwasan na nila ang mga masasamang naidudulot ng social media sa pagtangkilik ng sariling wika at ang maituro na rin sa kanilang magiging pamilya ang kahalagahan ng Wikang Filipino. Sa mga susunod namang mananaliksik, maaring pagbatayan ang ginawang konseptong papel at nang sa gayon na din ay maiwasan ang mga maaring negatibong maipahayag ukol sa wika at maging pabor pa sa mga banyaga.
Inaasahang kapag natupad na ang mga mithiin at layunin, tatangkilikin na ng mga Pilipino ang sariling wika. Katulad nga ng sinabi ni Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.” Tunay namang makahulugan ang kasabihang ito sapagkat maaring ipakita ng pagmamahal natin sa wika kung sino at paano tayo bilang tao. Pangalawang inaasahan ang mapagtanto na ng mga mambabasa ang mga kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling wika na maiam na ipinaliwanag sa konseptong papel. Sunod namang inaasahan na hindi na magiging ignorante ang mga Pilipino at bibigyang-pansin kung paano nagging balakid ang social media sa pagtangkilik ng sariling wika ng sa gayon sa hinaharap ay maiwasan na ang ganitong problema at pati na rin maging leksyon at gabay sa mga uusbong pang mga pagsubok. Inaasahan ding makapagbibigay kaalaman ang konseptong papel sa mga mambabasa at magamit nila ito sa kanilang pamumuhay ng sa gayon ay maging positibo ang resulta ng pananaliksik. At huli, inaasahang sa halip na maging balakid ang social media, maging daan mismo ito upang tangkilikin mismo ng mga Pilipino ang Wikang Filipino at maging daan ito upang makilala ang wikang ito sa buong mundo at magkaroon ng kakayahang makipagsabayan sa kompetisyong global.