Ang konseptong papel na ito ay tumatalakay sa social media bilang balakid sa pagtangkilik ng sariling wika. Ang pagiging laganap ng usaping ito ang nagtulak sa mga mananaliksik upang talakayin ang nasabing titulo na sa isang punto ay may inklinasyon na pukawin ang interes ng mga mambabasa. Ayon sa Freelancepilipinas.org, ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan ng mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Facebook, Tumblr, Twitter at Instagram, ilan lamang ito sa mga social networking sites na nangunguna sa mga usapin ng mga kabataan. Kaakibat nito ang pagbabagong nagaganap di lamang teknikal kundi pati na rin sa wikang sinasambit ng mga Pilipino.
Maraming Pilipino ang natutulungan ng makabagong teknolohiya na nagdulot ng social media. Tulay ng komunikasyon, magandang pagkakuhanan ng hanapbuhay at madaling paraan ng paghahatid ng impormasyon ay ilan lamang sa mga ito. Ngunit sa kabila ng mga ito ay dapat pagnilayan ang nagagawa ng mga ito sa wikang Pilipino sa siya natin dapat na tinatangkilik. Tunay na sa isang bagay, kailangang obserbahan ang dalawang panig upang sa gayon ay makita ang magaganda at hindi kanais-nais na dulot nito. Dahil sa maraming nakakasalamuha na iba’t-ibang tao hindi lamang mga Pilipino sa social media, kadalasang Ingles ang ginagamit na midyum upang makipagtalastasan sa mga kung sino-sino. Dulot din nito’y ang pagpapaikli ng mga salita o di kaya’y mga jejemon, bekimon na naiimbento upang mas mapadali ang usapan. Ang mga salitang “brb” na ang tukoy ay “be right back” o mga salitang “#ootd” na ang ibig sabihin ay “outfit of the day” ay tunay namang nagpapakita ng pagbabagong nangyayari sa ating wika. Sa halip na tangkilikin ang Wikang Filipino ay mas nais pa ng mga kabataan ngayon ang gumamit ng mga ingles upang makasabay sa uso at matawag at makabilang sa mga tinatawag na “cool”. Ang kaisipang kolonyal na ito at pagpabor sa mga banyaga ay talagang balakid sa pagtangkilik ng sariling wika. Taong 1937, gumawa ng aksyon si Presidenteng Manuel Quezon upang mapag-isa ang ating bansa gamit ang isang pambansang wika. Ngunit sa pangyayari ngayon, tila nababaliwala ang mga naitatag na plataporma ng dating pangulo. Iba’t-ibang klase na ng wika ang nabubuo at pumapabor sa mga salitang banyaga. Kadalasang dahilan ang social media kung saan ang mga Pilipino ay nahaharap sa mga kakaibang mga uso na hindi nakatutulong sa pag-usbong ng sariling wika.
Bilang mga Pilipino, hindi tayo dapat maging ignorante at banyaga sa sariling bansa at wika. Dapat isaisip ng mga tao na ang kani-kanilang sariling wika ay regalong bigay ng kani-kanilang mga ninuno na kasing halaga ng mga ginto. Ito ay paraan upang tayo ay makapagintindihan at makipagkomunikasyon kaya marapat na ito’y palawakin pa, pagtibayin at higit sa lahat ay tangkilikin sapagkat ito’y sariling atin. Dapat ding tandaan na ito’y biyaya sa atin ng Diyos kaya marapat lamang na ito’y irespeto at mahalin.